Demolisyon itigil muna!
March 18, 2006 | 12:00am
Binigyan ng ultimatum si Vice President Noli De Castro ng mga lider ng ibat ibang peoples organization sa riles ng tren mula sa Caloocan City hanggang Los Baños, Laguna hinggil sa kanilang apela na aksiyunan ang mga hinaing ng libu-libong pamilyang naapektuhan ng demolisyon sa Northrail-Southrail Linkage Project sa rehabilitasyon ng Philippine National Railways (PNR).
Ang apela ay bunsod na rin sa kahilingan ni Manila Archbishop Cardinal Gaudencio Rosales kay de Castro gayundin kay Pangulong Arroyo na huwag pilitin, pagbantaan o takutin ang mga maralitang taga-lungsod para lamang umalis.
Sa isinagawang demolisyon sa Bgy. San Antonio, Makati City apektado ang pag-aaral ng mga bata roon dahil silay inilipat sa Southville housing project sa Cabuyao, Laguna na anilay malayo sa paaralang pinapasukan kaya matinding hirap ang dinaranas ng mga estudyante dahil sa Maynila sila nagsisipag-aral.
Nanawagan ang mga lider na huwag muna sanang i-demolis ang mga naninirahan sa iba pang barangay sa tabing riles ng tren sa nasabing lungsod hanggat hindi pa bakasyon sa eskuwela ang kanilang mga anak.
Hindi naman anya tumututol sa proyekto ang mga mahihirap, subalit ayon kay Cardinal Rosales, dapat ayusin muna ang relokasyon. "Perspektibo ng mahirap na hindi sila titira riyan kung sila ay hindi talagang nangangailangan. Pero kailangan nila ng tahanan, ng disenteng matutuluyan."
Taliwas naman ito sa sitwasyon sa relocation site dahil doon ay wala pang bahay na lilipatan kundi mga tent lamang na nagpapalubha sa kalagayan ng kalusugan ng mga bata at matatanda.
Nangangamba rin sila na magkasakit dahil walang mainom na malinis na tubig. Problema rin sa relocation site ang kawalan ng elektrisidad at nanganganib din ang kanilang seguridad dahil walang police visibility sa lugar.
Kinuwestiyon ng Urban Poor Associates (UPA), isang non-government organization, ang pahayag ni National Housing Authority general manager Federico Laxa na boluntaryo umano ang pagpunta ng mga tao sa relocation site. Ayon sa UPA, sapilitan ang pagpapaalis dahil nagbigay umano si PNR general manager Jose Ma. Sarasola II ng abiso sa paglikas sa loob lamang ng 30 araw. "Wala silang choice kundi umalis agad dahil puwersahan silang gigibain," sabi ng UPA.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended