^

Bansa

Chavit, Ynares sabit sa Pasig ambush!

-
Nasasangkot ang pangalan nina Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson at Rizal Governor Casimiro "Ito" Ynares sa pagpatay sa isang kilalang negosyante na pinagbabaril ng pinaniniwalaang mga hired killers kamakalawa ng tanghali sa Pasig City.

Napag-alamang matapos na mamatay ang biktimang si Leonardo Umale, 62, sa Medical City ay lumabas ang asawa nitong si Clarissa at naghi-hysterical na sumigaw sa mga reporter na nasa labas ng emergency room at sinabing "tanungin ni’yo si Chavit kung sino ang pumatay sa asawa ko!" na tatlong beses nitong inulit bago napigilan ng mga kaanak at mabilis na ipinasok sa loob ng kuwarto.

Matatandaan noong Enero 2005 ay nagkaroon ng awayan ang pamilya Umale at pamilya Ynares kung sino ang magmamay-ari ng pinauupahang parking lot sa kahabaan ng Pearl Drive na nauwi sa alitan. Ang mga Umale at Ynares ay may gusali sa kahabaan ng lugar samantala ang Superb Security Agency naman na inuupahan ng mga Ynares ay si Chavit ang may-ari.

Bukod dito, mayroon pa umanong away ang mga Umale at Chavit sa isang strip mall sa Ortigas kung saan may kaso ito sa Pasig Regional Trial Court.

Samantala, inilabas na ng pulisya ang cartographic sketch ng tatlo sa apat na suspek na bumaril kay Umale habang paakyat ito sa kanyang opisina dakong 11:45 ng umaga na naging sanhi ng kamatayan nito.

Sa nauna nang pahayag, sinabi ni Singson na wala siyang kinalaman sa pagkakapatay kay Umale. Anya, mas kaibigan siya ng biktima kaysa kaaway dahil hinihingian umano siya nito ng tulong sa mga kasong kinakaharap nito. (Edwin Balasa)

CHAVIT

EDWIN BALASA

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS CHAVIT SINGSON

LEONARDO UMALE

MEDICAL CITY

PASIG CITY

PASIG REGIONAL TRIAL COURT

UMALE

YNARES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with