^

Bansa

US-bound Pinoy workers tutulungan

-
Magkakaloob ng tulong pinansiyal o pautang na sasakyan ang isang kumpanya para sa mga nagnanais mamasukan at manirahan sa Amerika.

Sa isang kasunduang nilagdaan sa pagitan ng International AutoSource Inc., ang nangungunang vehicle financing company sa Amerika at ng HRPC training and Accreditation Assistance Center, Inc,. sa Pilipinas, pumirma sina Eli Goodrich, Worldwide Business Developmnet manager for AutoSource at Jonathan Co, chief executive ng HRPC para sa pormal na pagpasok ng dayuhang kumpanya sa Pilipinas.

Ayon sa kasunduan, magkakaloob ng bago at murang sasakyan ang mga papunta pa lamang na Pinoy sa Amerika upang may magamit sa kanilang paghahanapbuhay at paninirahan doon.

Sa vehicle financing scheme na ito, magiging mas madali para sa ating mga kababayan na maaprubahan ang sasakyang bibilhin kahit walang US credit history.

Ipinaliwang ni Ed Lucena, HRPC general manager na ang pagmamay-ari ng sasakyan sa Amerika ay hindi isang luho kundi pangunahing pangangailangan.

Ayon pa sa kanya, tama lamang na bumili ng sasakyan bago umalis ng Pilipinas upang makaiwas sa mga dokumentong kailangan tulad ng past driving at credit history sa Amerika.

Dapat ding samantalahin ng ating mga kababayan na US visa holders at contract workers ang oportunidad na bumili ng bagong sasakyan ng kahit anong klase sa mura at mababang halaga sa pamamagitan ng Limited Staggered Down Payment Offer.

Sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 724-8601 to 06 (Manila office); (032) 254-9678 (Cebu office). Bumisita rin sa kanilang website: www.hrpc.com.ph o mag-send ng e-mail sa [email protected]

ACCREDITATION ASSISTANCE CENTER

AMERIKA

AYON

BUMISITA

ED LUCENA

ELI GOODRICH

JONATHAN CO

LIMITED STAGGERED DOWN PAYMENT OFFER

PILIPINAS

WORLDWIDE BUSINESS DEVELOPMNET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with