^

Bansa

Mahigit 30 bills na pumasa sa Kamara inaamag sa Senado

-
Inireklamo na kahapon ni House Majority Leader Prospero Nograles ang patuloy na pagbalewala ng mga senador sa mahigit 30 mahahalagang panukalang batas na inaamag na sa Senado bagaman at matagal nang naipasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Nograles, lalo lamang nagkakaroon ng dahilan ang mga kongresista na isinulong ang unicameral government upang hindi na dumaan pa sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang mga ipinapasang panukalang batas.

Mas mahaba aniya ang oras na ginugugol ngayon ng mga senador sa imbestigasyon ng kung anu-anong bagay kaysa sa unahin ang trabaho na tumalakay at magpasa ng batas.

Kabilang sa mga panukalang nakabinbin sa Senado ang panukalang Tax Amnesty Law, Consolidated Investment Incentives Code, Anti-Smuggling Act of 2005, Bio-ethanol Bill at maging ang panukalang magbibigay ng mas malawak na proteksiyon sa media.

Nasesentro din aniya ang mga imbestigasyon ng Senado sa pag-atake sa administrasyon.

Sinabi naman ni Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino na patuloy ang pagbatikos ng mga senador sa administrasyong Arroyo dahil sa sinasabing panggigipit sa media pero hindi naman kumikilos ang mga ito para ipasa ang panukalang mag-e-exempt sa mga publisher, editor at reporters ng mga publication na ibunyag ang source ng kanilang istorya.

Noon pang Dis. 22, 2005 pumasa ang nasabing panukala sa Kamara.

Wala aniyang mangyayaring maganda sa gobyerno sa ginagawang imbestigasyon ng mga senador na nagiging dahilan lamang upang mabinbin ang mga mahahalagang panukalang batas. (Malou Escudero)

ANTI-SMUGGLING ACT

CONSOLIDATED INVESTMENT INCENTIVES CODE

HOUSE MAJORITY LEADER PROSPERO NOGRALES

KONGRESO

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

NUEVA ECIJA REP

PANUKALANG

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with