"Out priority is to capture Honasan. The warrant is already out. We would like to get him 100 percent," ani AFP-PIO chief Col. Tristan Kison.
Si Honasan, dating Army colonel ay nasangkot sa ilang bigong coup plot laban sa administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino.
Sa paglilitis ng Makati City Regional Trial Court Branch 62 laban sa mga lider ng Oakwood mutiny, sinabi ng testigo ng prosecution na si Capt. Manuel Rosuello na nasaksihan niya mismo ng makipagpulong si Honasan sa mga namuno sa nabigong pag-aaklas ng Magdalo.
Kabilang umano sa mga pinulong ni Honasan sina Navy Lt. Sr. Grade Antonio Trillanes, Marine Capt. Gary Lejano at Army Capts. Gerardo Gambala at Milo Maestrecampo gayundin ang isa sa tatlong puganteng Magdalo na si Army Capt. Nathaniel Rabonza.
Idinagdag pa ni Kison na itinuro rin si Honasan ng mga kadete ng Phil. Military Academy na siyang nag-recruit sa kanilang hanay. (Joy Cantos)