Beltran unti-unting pinapatay sa Crame
March 15, 2006 | 12:00am
Unti-unti umanong pinapatay si Anakpawis Rep. Crispin Beltran, 73, sa pamamagitan ng mga bawal na pagkain na ibinibigay ng PNP General Hospital sa Camp Crame na posibleng pumatay sa militanteng mambabatas.
Inihalintulad sa kantang "Killing Me Softly" ang kalagayan ngayon ni Beltran na ayon sa kanyang anak na si Ofel Beltran-Balleta, chief-of-staff ng solon, ay hinahainan ng mga pagkaing kontra sa sakit niyang hypertension at diabetes.
Sinabi ni Balleta na batid ng ospital ang mga sakit ng kanyang ama, subalit tila sinasadya umano itong bigyan ng mga pagkaing bawal sa kanya.
Kalimitang matamis na salad, beans, may sarsang manok at matatabang pagkain ang ibinibigay sa kanyang ama kaya dinadalhan na lamang nila ito ng sariling pagkain na walang sebo.
Samantala, sinimulan ng asawa ni Beltran na si Rosario ang isang signature campaign sa mga kongresista na naglalayong suportahan ang agarang pagpapalaya sa kanyang asawa.
Umaabot na kahapon sa 34 kongresista ang lumagda pabor sa resolusyon. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended