^

Bansa

GMA grabe pa kay Marcos!

- Ni Rudy Andal -
Mas matindi pa sa Martial Law na idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Proclamation 1017 ni Pangulong Arroyo lalo na sa pagsikil sa malayang pamamahayag.

Ito ang sinabi ni Sen. Joker Arroyo, chairman ng Senate committee on justice and human rights, sa ginawang pagdinig ng komite hinggil sa ginawang panggigipit ng gobyerno sa media sa pamamagitan ng idineklarang State of National Emergency.

Ayon kay Sen. Arroyo, walang written order na hawak ang elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng salakayin nito ang tanggapan ng The Daily Tribune noong Pebrero 25 kumpara sa ginawang government takeover noong 1972 sa lahat ng media organizations nang ideklara ni Marcos ang Presidential Decree 1081.

Naniniwala din ang mambabatas na mas malala ang naging harassment sa media sa ilalim ng Proc. 1017 kaysa sa idineklarang batas-militar ni Marcos.

Bagaman walang pananagutan si Mrs. Arroyo habang nakaupo bilang Pangulo sa mga akusasyon ng paglabag sa karapatang-pantao at paglabag sa saligang-batas ng ipatupad nito ang PP 1017, ang mananagot daw nito ay ang mga implementors ng 1017 partikular na ang militar at pulisya.

"In so far as the liability of the President is concerned, certainly this will come, if any, after her stint as President. Under the constitution, she is exempt from prosecution during her incumbency", ayon kay Senate President Franklin Drilon.

Ayon naman kina Ninez Cacho-Olivares, editor-in-chief ng The Daily Tribune at Shiela Coronel, executive director ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), na patuloy pa rin ang panggigipit sa media kahit inalis na ang 1017.

Binatikos din ni Olivares ang isang linggong pananatili ng PNP sa tanggapan ng Tribune na nagresulta sa pagiging mahinahon ng kanyang mga reporter sa pag-uulat pagkatapos ng raid kahit sinabi ng PNP na hindi sila makikialam sa operasyon ng pahayagan.

Sinabi naman ni Coronel, may nakaambang search warrant laban sa kanilang tanggapan dahil sa umano’y paglathala sa transcript ng "Hello Garci tapes" o pag-uusap sa pagitan nina dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano at Pangulong Arroyo sa kanilang blogsite.

Ayon kay Coronel, kinasuhan sila ng inciting to sedition sa korte ng isang Jonathan Tiongco na umano’y miyembro ng Intelligence Monitong Group ng PNP habang 5 mamamahayag ng PCIJ ang nakaambang kasuhan din ng inciting to sedition.

AYON

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DAILY TRIBUNE

HELLO GARCI

INTELLIGENCE MONITONG GROUP

INVESTIGATIVE JOURNALISM

JOKER ARROYO

JONATHAN TIONGCO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with