^

Bansa

Dinky namumuro sa rebelyon

-
Posibleng makasuhan din ng rebelyon si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman matapos idawit siya ng lumutang na testigo na nakitang nakikipagpulong para sa destabilisasyon ng pamahalaang Arroyo.

Sa 9-pahinang salaysay ng testigong si Jaime Beltran Fuentes, nagpakilalang chief security officer ni Vicente Ladlad na miyembro ng Central Committee ng CPP-NPA, nakasama niya si Ladlad at isang Randal Echaniz dati umanong kalihim ng CPP-NPA sa iba’t-ibang pagpupulong ng kilusan na lihim na idinadaos sa Bayan National Office, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) office at Bayan Muna National Office na pawang matatagpuan sa Quezon City.

Sinabi ni Fuentes na Enero hanggang Pebrero 2006 idinaos ang mga nasabing pagpupulong kung saan pinag-uusapan aniya ang pagpapabagsak sa administrasyon.

Nasaksihan din umano niya ang pakikipagpulong ni Ladlad sa mga kilalang miyembro ng "Black and White Movement" kung saan nakita niya umanong dumalo si Soliman at isang Vicky Veles.

Nakita din umano niyang dumadalo sa pagpupulong sina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, Teddy Casino, Anakpawis Rep. Rafael Mariano at Crispin Beltran, Gabriela Rep. Liza Maza, at ilan pang opisyal ng mga militanteng grupo.

Si Ladlad ay kabilang sa mahigit 50 personalidad na kinasuhan ng rebelyon sa DOJ kasama rin sina CPP-NPA Founding Chairman Jose Maria Sison, Gregorio "Ka Roger" Rosal, dating Sen. Gringo Honasan, ilang miyembro ng Magdalo at ilan pang makakaliwang grupo. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ANAKPAWIS REP

BAYAN MUNA NATIONAL OFFICE

BAYAN MUNA REP

BAYAN NATIONAL OFFICE

BLACK AND WHITE MOVEMENT

CENTRAL COMMITTEE

CRISPIN BELTRAN

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

FOUNDING CHAIRMAN JOSE MARIA SISON

GABRIELA REP

GRINGO HONASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with