Nagkasalang sundalo parusahan! solons
March 12, 2006 | 12:00am
Sinuportahan ng mga lider sa Kamara de Representantes ang posisyon ng Armed Forces of the Philippines na walang amnestiyang ibibigay sa mga nagrebeldeng sundalo, sakaling mapatunayang nagkasala ang mga ito sa tangkang pabagsakin ang pamahalaan.
Ayon kina House Deputy Majority Leader Antonio Cerilles at Davao del Sur Rep. Joel Mayo Almario, tama ang ginawang desisyon ng AFP na parusahan ang mga akusadong sundalo upang matigil na ang mga pagtatangkang pataubin ang pamahalaan at ang kultura ng kudeta sa hanay ng militar.
Ipinagdiinan pa ni Cerilles na dapat harapin ng mga nagrebeldeng sundalo ang kahihinatnan ng kanilang ginawang hakbangin, anuman ang kaparusahang ipapataw.
Ani Cerilles, hindi pwedeng patawarin at kalimutan na lamang ang ginawang pagtatangka dahil walang katiyakan na hindi muli ito magaganap sa hinaharap.
"What will stop them from engaging in future adventurism if government keeps on treating them with kid gloves? Laws were violated and the coup plotters must answer for it," pahayag pa ni Cerilles.
Sinabi rin ng kinatawan mula sa lalawigan ng Zamboanga del Sur na dapat matuto na sa kasaysayan ang pamahalaan matapos na mabigo ang mga nakalipas na administrasyon na pang-hawakan maigi ang ginawang pag-aalburuto ng mga kasapi ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM).
Naniniwala naman si Almario na ang pagbibigay ng kaparusahan sa mga nagrebeldeng sundalo ay magpapakita ng determinasyon at kaseryosohan ng pamahalaan na matigil na ang adbenturismo sa loob ng militar.
Sinabi rin ni Almario na dapat aksiyunan ng pamahalaan ang mga katulad nina Brig. Gen. Danilo Lim, ang dating hepe ng Scout Rangers at Col. Ariel Querubin dahil malinaw naman umano na handa na ang kanilang plano sakaling magtagumpay ang balaking pabagsakin ang pamahalaan. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest