Calderon bagong ISAFP chief

Itinalaga kahapon bilang hepe ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (AFP) ang senior military aide ni Pangulong Arroyo na si Navy Commodore Leonardo Calderon.

Sa turn-over ceremony sa Camp Aguinaldo ay pormal na isinalin ng nagretirong si ISAFP chief Brig. Gen. Marlu Quevedo ang kapangyarihan kay Calderon matapos na magretiro ang una.

Si Quevedo ay nagdiwang ng kanyang 56th birthday na siyang mandatory age retirement sa AFP.

Ang ISAFP ang sinasabing pinagmulan ng kontrobersiyal na wiretapped "Hello Garci" tape na may kinalaman sa umano’y dayaan noong 2004 presidential elections. (Joy Cantos)

Show comments