General atat maging PNP chief
March 10, 2006 | 12:00am
Ginagapang na umano ng isang police general na makopo ang puwestong iiwanan ni PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao na nakatakdang magretiro sa Agosto.
Ayon sa source, sabik o "naglalaway" na umano ang general na ito kaya kinasabwat na pati ang kauupo pa lamang na opisyal ng gobyerno. Ang opisyal naman ng gobyerno ay nanganganib na hindi pumasa sa Commission on Appointment (CA) matapos kuwestiyunin ang kanyang pagkakatalaga at kredibilidad.
Dahil dito, maraming opisyal at miyembro ng PNP ang nagtaas ng kilay sa pagmamadali ng heneral. Bakit daw hindi mag-antay ang heneral na magretiro muna si Lomibao bago pumapel gayong kabilang naman siya sa mga kandidato para pumalit sa PNP chief. Sa ngayon ay gumagawa umano ng gimik ang heneral na ito upang mapabilis ang pagpapatalsik kay Lomibao. Sino siya?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest