Inaasahan ang mahigit sa 4,000 mag-aaral ang dadalo sa mass graduation ng Alternatibong Sistema ng Pag-aaral sa Tanghalang Francisco Balagtas sa Marso 16, 2006, 1:00 ng hapon. Tema ng pagtatapos ay "Manileño: Kumilos ka Tungo sa Makabuluhang Pagbabago". Ito ay sa ilalim ng pamamahala ng ALS DepEd Manila, Dr. Ma. Luisa S. Quiñones, tagapamanihala ng mga paaralang lungsod at Gng. Adelina I. Ranga, hepe ng lingkuran ng ALS.
Tatanggap ng sertipiko ang mga magsisipagtapos sa Basic Literacy, PEPT/Mobile Program,TAP/ALS A& E (School Based),TAP/ALS A&E (Special Program)at Literacy cum Livelihood.
Panauhing pandangal si Manila Mayor Lito Atienza Jr.