Sanayang paaralan tugon sa pagkaubos ng piloto, mekaniko
March 9, 2006 | 12:00am
Hiniling ng lokal na industriyang panghimpapawid sa pamahalaan na obligahin ang mga internasyonal na kumpanya ng eroplano na magtayo ng sanayang paaralan sa bansa para sa mga piloto at mekaniko upang maiwasan ang pinangangambahang pagkaparalisa ng local aviation.
Ayon kina Cesar Lamberte, PAL Vice President for Human Resource Development at Lorenzo Ziga ng Maintenance, Repair and Overhaul (MRO) facilities, umaabot sa 5-6 taong pagsasanay bago maging bihasa ang isang mekaniko at 7-10 taon sa isang piloto para maging Kapitan. Gumagastos naman ng milyung-milyong piso ang mga lokal na kumpanya para sanayin ang kanilang piloto at mekaniko na pinipirata lamang ng mga foreign airline operators.
Ayon kay Ziga, may 14,000 lisensiyadong mekaniko ng eroplano sa listahan ng Air Transport Office ngunit may 1,500-1,700 lang ang nagtatrabaho sa paliparan. Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) may 1,159 magagaling na mekaniko ang umalis sa bansa mula noong 2003 habang 700 piloto ngayon at 450 dito ang nasa PAL ngunit 75 sa mga ito ang umalis simula 2003. Sabi pa ni Lamberte, kabuuang 120 piloto mula sa ibat ibang lokal na magagaling na mekaniko ang umalis simula 2000. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest