Ipinalabas kahapon ng korte ang warrant of arrest laban kina Clarita, asawa ni Garcia at mga anak na sina Ian Carl, Juan Paolo at Timothy Mark. Walang inirekomendang piyansa sa mga akusado.
Inatasan ni Associate Justice Edilberto Sandoval si Sandiganbayan chief sheriff Edgardo Urieta na ipatupad ang ipinalabas na kautusan, gayundin ang AFP, PNP at NBI para tumulong sa paghahanap sa mga nabanggit na pamilya ng dating heneral.
Ang Field Investigation Office (FIO) ng Office of the Ombudsman ang nagrekomenda ng pagsasampa ng kaso sa asawa at tatlong anak ni Garcia matapos ang isinagawang review o pag-aaral sa reklamo. Sangkot din anya sa pagnanakaw ng P303,272,005.99 ang pamilya ng dating heneral mula 1993-2004.
Hindi naman matiyak kung nasa bansa pa ang asawat mga anak ni Garcia. (Malou Escudero)