^

Bansa

Misis, 3 anak ni Gen. Garcia pinapaaresto na

-
Pinapaaresto na ng Sandiganbayan Second Division ang asawa at mga anak ni retired Army Major Gen. Carlos Garcia na mga akusado rin sa P303.27 milyong plunder case.

Ipinalabas kahapon ng korte ang warrant of arrest laban kina Clarita, asawa ni Garcia at mga anak na sina Ian Carl, Juan Paolo at Timothy Mark. Walang inirekomendang piyansa sa mga akusado.

Inatasan ni Associate Justice Edilberto Sandoval si Sandiganbayan chief sheriff Edgardo Urieta na ipatupad ang ipinalabas na kautusan, gayundin ang AFP, PNP at NBI para tumulong sa paghahanap sa mga nabanggit na pamilya ng dating heneral.

Ang Field Investigation Office (FIO) ng Office of the Ombudsman ang nagrekomenda ng pagsasampa ng kaso sa asawa at tatlong anak ni Garcia matapos ang isinagawang review o pag-aaral sa reklamo. Sangkot din anya sa pagnanakaw ng P303,272,005.99 ang pamilya ng dating heneral mula 1993-2004.

Hindi naman matiyak kung nasa bansa pa ang asawa’t mga anak ni Garcia. (Malou Escudero)

vuukle comment

ANG FIELD INVESTIGATION OFFICE

ARMY MAJOR GEN

ASSOCIATE JUSTICE EDILBERTO SANDOVAL

CARLOS GARCIA

EDGARDO URIETA

GARCIA

IAN CARL

JUAN PAOLO

MALOU ESCUDERO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with