Protective custody sa 5 solons pinaaalis
March 8, 2006 | 12:00am
Ihihirit ng Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) na tanggalin na ang ipinagkaloob na protective custody ng Kamara sa limang militanteng mambabatas upang maipatupad na ang pag-aresto laban sa mga ito sa kasong rebelyon. Ito ay bunga ng paglabag ni Gabriela Rep. Liza Maza sa alituntunin ng protective custody ng pumuslit ito noong Lunes ng gabi sa Kamara para dumalo sa bicameral meeting ng Senado, at nakabalik sa Kamara ng hindi nahuli ng mga pulis. Iginiit ni PNP spokesman Sr. Supt. Samuel Pagdilao na hindi dapat umalis sa Kamara ang lima ng walang go signal ni Speaker Jose de Venecia. Ayon naman kay de Venecia, bagaman at kailangan aniya ang diplomasya, dapat isuko ang lima kapag dumating na ang arrest warrant dahil walang congressman ang mas matas pa sa batas. Ani JDV, ginawang dormitoryo ng limang "Housemates" ang kanyang opisina at pera ng Kongreso ang ginagastos sa pagkain ng mga ito. (JCantos/MEscudero/Gdela Cruz)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest