Dahil dito, pinagpapaliwanag ng Kongreso si Ric Tan, PDIC president, sa mismanagement ng pondo ng ahensiya dahil sa pagliligtas sa mga malalaking commercial banks sa pagbagsak gamit ang bilyun-bilyong piso mula sa kaban ng bayan.
"I support the call for an immediate investigation of PDIC management of funds and why the BSP has too much financial exposure in the PDIC. Its president Ric Tan must be made to answer, account and explain why the government is going throught such financial exposure to bailout distressed banks," pahayag ni Rep. Prospero Nograles, chairman ng House Committee on Rules.
Ayon sa ilang banking industry players, mayroon namang hihigit sa P40 bilyong assets ang PDIC mula sa mga distressed banks na makakatulong sa ahensiya kung ibebenta o gagamitin ng ahensiya para pagkakitaan.
"Hindi dapat upuan lamang ng PDIC ang mga assets na ito para makabangon ang ahensiya sa malaking pagkalugi," pahayag ng nasabing industry players na humiling ng anonymity.
Ayon naman kay Batangas Rep. Hermilando Mandana, nakapagtataka umano na pinayagang umabot sa mahigit sa P80 bilyon ang naging exposure ng BSP sa PDIC, o two-thirds ng outstanding loan portfolio ng BSP na nasa P124 bilyon.