^

Bansa

PDIC baon sa P80-B utang

-
Nalulugi ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng higit sa P1.2 bilyon taun-taon dahil nakabaon diumano ang Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) sa P80 bilyong ‘walang pakinabang’ na pagkakautang.

Dahil dito, pinagpapaliwanag ng Kongreso si Ric Tan, PDIC president, sa mismanagement ng pondo ng ahensiya dahil sa pagliligtas sa mga malalaking commercial banks sa pagbagsak gamit ang bilyun-bilyong piso mula sa kaban ng bayan.

"I support the call for an immediate investigation of PDIC management of funds and why the BSP has too much financial exposure in the PDIC. Its president Ric Tan must be made to answer, account and explain why the government is going throught such financial exposure to bailout distressed banks," pahayag ni Rep. Prospero Nograles, chairman ng House Committee on Rules.

Ayon sa ilang banking industry players, mayroon namang hihigit sa P40 bilyong assets ang PDIC mula sa mga distressed banks na makakatulong sa ahensiya kung ibebenta o gagamitin ng ahensiya para pagkakitaan.

"Hindi dapat upuan lamang ng PDIC ang mga assets na ito para makabangon ang ahensiya sa malaking pagkalugi," pahayag ng nasabing industry players na humiling ng anonymity.

Ayon naman kay Batangas Rep. Hermilando Mandana, nakapagtataka umano na pinayagang umabot sa mahigit sa P80 bilyon ang naging exposure ng BSP sa PDIC, o two-thirds ng outstanding loan portfolio ng BSP na nasa P124 bilyon.

AYON

BANGKO SENTRAL

BATANGAS REP

DAHIL

HERMILANDO MANDANA

HOUSE COMMITTEE

PDIC

PHILIPPINE DEPOSIT INSURANCE CORP

PROSPERO NOGRALES

RIC TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with