Oral argument sa 1017 lumarga
March 8, 2006 | 12:00am
Sumalang kahapon sa oral argument ang mga petitioners ng Presidential Proclamation 1017 o state of national emergency at iginiit na dapat pa rin magpalabas ng desisyon ang Korte Suprema hinggil sa legalidad nito kahit inalis na ni Pangulong Arroyo ang proklamasyon.
Ayon kay Atty. Raul Pangalangan, abogado ni UP Prof. Randy David, ang magiging desisyon ng SC hinggil sa legalidad nito ay maaring maging gabay o batayan ng publiko sa mga darating na panahon at upang maiwasan din umano ang muling pagdedeklara at pagpapatupad ni GMA ng 1017.
Nangangamba ang pitong petitioners na kinabibilangan ng UP Lawyers, Philippine Daily Tribune, opposition congressmen, Kilusang Mayo Uno, Integrated Bar of the Philippines, Alternative Law Group at ang kampo ni dating Senador Loren Legarda na muling ipatupad ng Pangulo ang 1017.
Binigyang diin pa nito na dapat pa rin ibasura ng SC ang 1017 dahil ang kabuuan nito ay maituturing na illegal o unconstitutional dahil sa "karahasang" idinulot nito ng umanoy ilegal na arestuhin ang mga ralista na malinaw umanong paglabag sa karapatan ng publiko sa malayang pamamahayag ng damdamin para sa kasalukuyang administrasyon.
Binigyan ng 7 minuto ang mga petitioners upang maihain ang kani-kanilang argumento, habang 25 minuto sa Office of the Solicitor General para idepensa ang gobyernong Arroyo sa pagdedeklara nito ng 1017. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest