Sinabi ni PCG Spokesman Lt. Commander Joseph Coyme, wala silang kapangyarihan na mag-isyu ng special permit para sa LCT M/V Golden Swan at iba pang barko na may kaso para makabiyahe dahil ang Marina lamang ang may mandato nito.
Tutol ang PCG na makapaglayag muli ang MV/Golden Swan dahil sa panganib na chemical spill dahil hindi nakakatupad ito sa International Code for Construction and Equipment of Ships carrying Liquified Gases in Bulk.
Si Marina director Butch Arceo ang itinuturo naman ng PCG na nagbigay ng clearance sa MV/Golden Swan para makabiyahe sa karagatan mula sa Isabel, Leyte patungong Pier 18 sa Vitas, Tondo, Maynila upang maghatid ng anhydrous ammonia sa Pheschem industry.
Sinabi naman ng Court of Appeals (CA) na puwedeng masampahan ng contempt ang Marina sa pagbibigay ng special permit sa Golden Swan kung saan ay may pending case ito kaya hindi pinapayagan ng CA na makabiyahe. (Danilo Garcia)