Maging tapat tayo sa tungkulin PCSO director Revilla
March 7, 2006 | 12:00am
Hiniling kahapon ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Strike Revilla sa mga kawani ng Senado na maging tapat sa kanilang tungkulin dahil dito nakasalalay ang taumbayan para sa isang maayos na pamahalaan.
Sa kanyang talumpati sa Flag raising Ceremony sa Senado, sinabi ni Revilla, na habang nagkakagulo ang taumbayan sa mga maiinit na isyu sa sambayanan marami naman sa ating mga kababayan ang naghihirap at nangangailangan ng pag-aaruga.
"Let us all continue to be dedicated to our jobs and committed to public service. Continue to be loyal to the noble task of ensuring that the government runs well, regardless of uncertainty that lies ahead" ayon kay Strike na dating Chief of Staff ng kanyang kapatid na si Sen. Ramon Revilla Jr.
Inihayag din ng bagong direktor na ikinasa na ng PCSO ang Healthbook Program para sa mga kapus-palad kung saan makakakuha sila ng libreng serbisyong pangkalusugan na sa pondo ng PCSO kukunin ang gastos at ang pagkakaroon ng partnership sa Philhealth na PCSO na rin ang magbayad nito.
Balak din ni Revilla na magkaroon ng isang Quick Reaction Team (QRT) na siyang dadalo sa mga pangangailangang medical ng mga kaspus-palad nating kababayan. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am