^

Bansa

Satur balik-NPA!

-
Nagpahiwatig kahapon si Bayan-Muna Party-list Rep. Satur Ocampo na posibleng bumalik siya sa underground movement o armadong pakikibaka dahil mismong gobyerno ang nagtutulak sa kanilang grupo.

Sinabi ni Rep. Ocampo sa isang pulong-balitaan, hindi imposibleng bumalik muli siya sa kabundukan kung hindi makakakuha ng hustisya sa administrasyong Arroyo.

"Kung hindi kami makakakuha ng katarungan then open ang option namin for our survival," wika pa ni Ocampo sa tanong ng mga reporters kaugnay sa posibilidad na muli itong pumasok sa NPA.

Isa si Ocampo sa 5 kongresista na nasa ilalim ng protective custody ng House of Representatives dahil sa kasong rebelyon.

Iginiit naman nito, hindi sila pabor na gumamit ng bayolenteng pamamaraan para makuha ang kanilang objective na pulitikal kahit ginigipit na sila ng gobyerno.

Si Ocampo ang nagsilbing spokesman ng National Democratic Front (NDF) sa peace talks sa ilalim ng Aquino government.

Hinamon din ng kongresista si National Security Adviser Norberto Gonzales na magpakita ng ebidensiya na ginagamit nila ang kanilang puwesto sa Kamara para tulungan ang New Peoples Army (NPA).

Ayon naman kay House Minority Leader Francis Escudero, matapos ang EDSA 1 ay nahimok ng gobyerno ang mga leftist group na bumalik sa ‘mainstream’ ng lipunan at makilahok sa eleksyon.

Subalit taliwas ang ginagawa ngayon ng Arroyo government, ayon kay Rep. Escudero, dahil pinipilit nitong itulak pabalik sa underground ang mga leftist group na nagbalik-loob sa pamahalaan. (Malou Escudero)

BAYAN-MUNA PARTY

HOUSE MINORITY LEADER FRANCIS ESCUDERO

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MALOU ESCUDERO

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

NEW PEOPLES ARMY

OCAMPO

SATUR OCAMPO

SI OCAMPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with