^

Bansa

Pagbawi sa Proc 1017 ipinagbunyi

-
Nagpahayag kahapon ng kagalakan at pagpupugay ang grupo ng mga barangay Chairman sa kapaligiran ng pantalan sa Maynila sa ilalim ng kanilang samahan na ‘Beyond 2004 Movement’ sa naging pasya at sensiridad ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ginawa nitong pagbawi sa proklamasyon 1017.

Sa isang pahinang manipesto na ipinalabas ng ‘Beyond 2004 Movement’ ay nagsasabing ang idineklarang State of National Emergency ng Pangulong Arroyo ay isa umanong nararapat na hakbang upang ipagtanggol ang kapakanan ng mas nakararaming mamamayan at upang mapanatili ang isang matatag na republika.

Ang nasabing manipesto ay may pamagat na ‘Mabuhay PGMA’ na pinirmahan ng mga Barangay Chairman na sina Teodoro Iradiel Jr., ng Barangay 129 ng Smokey Mountain; Perlita Reyes ng Barangay 101 ng Vitas, Katuparan; Luisito Reyes ng Barangay 105, Happy Land; Teresita Lumactod ng Barangay 649 ng Baseco; Ely Saluib ng Barangay 20 ng Parola, Tondo at Justo Dela Cruz ng Barangay 275 ng Parola, Binondo.

Nananawagan ang grupo sa ilan pang individual partikular ang nasa panig ng oposisyon na nagnanais pang magpatuloy sa paggawa ng kaguluhan upang pabagsakin ang kasalukuyang pamahalaan na huwag nang tangkaing humakot ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupan upang iligaw ang kanilang kaisipan kapalit ng maliit na halaga para lamang isulong ang pangsariling hangarin.

Ayon sa grupo, hindi na nila hahayaan na masira ang dignidad ng kanilang nasasakupan kapalit ng anumang halaga at patuloy na maging biktima ng panlalansi at maging kasangkapan sa panggugulo ng iilan upang abalahin at pigilan ang mga programang nakatuon sa pag-angat ng kabuhayan ng mga mahihirap at pag-unlad ng ating ekonomiya. (Mer Layson)

vuukle comment

BARANGAY

BARANGAY CHAIRMAN

ELY SALUIB

HAPPY LAND

JUSTO DELA CRUZ

LUISITO REYES

MER LAYSON

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PAROLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with