Bombing sa MM, pantasya lang ni Biazon
March 5, 2006 | 12:00am
Isa umanong fantasy tale ang pahayag ni Senador Rodolfo Biazon na pro-administration groups ang nasa likod ng planong pagbobomba sa Metro Manila.
Ayon kina Lanao del Sur Rep. Benasing Macarambon at Bacolod City Rep. Monico Puentevella, ang pro-government bombing plot ay bahagi umano ng fantasy tales ni Biazon para tirahin umano ang administrasyon.
"This is lunacy, Government is not crazy to put the countrys security and everyones safety at risk. For a senator, its very irresponsable for Biazon to go public with such an unconfirmed and outlandish plot," ani Macarambon.
Bilang dating hepe ng Armed Forces of the Philippines at propesyunal na miyembro ng militar ang pahayag na ito ng senador na naging matatag sa kanilang sinumpaang tungkulin na protektahan ang demokrasya noong nakalipas na linggo.
Ang dapat aniyang ginawa ni Biazon ay kumpirmahin muna ang naturang ulat sa awtoridad o di kaya ay paimbestigahan sa pulisya o militar bago nagpalabas ng pahayag ukol dito.
Kahina-hinala rin umano ang naging timing ng pagbubunyag ni Biazon dahil katatapos lamang alisin ni Pangulong Arroyo ang state of national emergency.
Sinabi pa ni Puentevella na hindi niya lubos maisip na mismong pro-government group ang siyang magpaplano ng pagbobomba sa MM.
Posible naman aniya na nais lamang umano ni Biazon na magkaroon ng ibang isyu na iimbestigahan para gamitin laban umano kay Arroyo matapos na mawalan na ng init ang "Hello Garci" issue. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest