Sa petisyon na isinumite sa COMELEC, hinihiling nito na huwag kilalanin si Manila Mayor Lito Atienze bilang bagong Pangulo ng Liberal Party dahil sa ilegal umano ang naganap na botohan sa ipinatawag na national convention.
Ayon naman kay dating Congressman at DepEd Secretary Florencio Butch Abad na siya ring dating Pangulo ng LP mula noong 1998 hanggang 2004, wala umanong kapangyarihan si Mayor Atienza na magpatawag ng botohan kaya si Drilon pa rin umano ang kikilalaning pangulo ng LP.
Sinabi pa ni Abad na walang korum sa botohan dahil karamihan umano sa mga dumalo sa ipinatawag na national convention ay mga local members lamang ng partido.
Idinagdag pa ni Abad na nilinlang lamang umano ni Atienza ang ilang miyembro ng LP na dumalo sa pagtitipon dahil sa halip na local authonomy ang nasa kanilang agenda ay biglang ginawang national executive council meeting.
Nagbigay din ng suporta kay Drilon ang ilan pang dating naging Presidente ng LP tulad nina Wilfredo Tañada at Raul Daza.
Sinabi naman ni Atienza na well inform ang lahat ng kanilang miyembro sa pagtitipon dahil bukod sa personal na paanyaya ay pinadalhan pa umano ng imbitasyon subalit inisnab lamang ng grupo ni Drilon.
Maging si Secretary Mike Defensor ay nagsabing dumaan sa tamang proseso ang ginawa nilang pagpapatalsik sa puwesto kay Drilon.