^

Bansa

Aviation industry pabor sa 3-5 yrs. ban ng Pinoy pilots sa ibang bansa

-
Pumabor ang mga lider ng aviation industry sa pagpapatupad ng tatlo hanggang limang taong moratorium para sa overseas recruitment ng mga piloto, aircraft engineers at aviation mechanics dahil nauubos na ang mga ito sa Pilipinas.

Sa isinagawang public hearing kamakalawa ng House committee on labor and employment na pinamumunuan ni Zamboanga del Norte Rep. Roseller Barinaga, inireklamo ng mga lider ng aviation sector ang patuloy na pagkaubos ng mga piloto sa bansa.

Aminado si Barinaga na mayroong manpower crisis sa aviation industry at parang binabalewala lamang umano ang problema ng Air Transportation Office.

Ayon sa mga major players at local aviation industry, dapat na madaliin ang pagpasa ng panukalang batas para sa pansamantalang pagbabawal sa mga piloto, aircraft engineers at aviation mechanics na magtrabaho sa abroad o international airline companies bilang solusyon sa problema.

Mas marami anyang mga magagaling na piloto at mechanics ang nawawala sa Pilipinas dahil napa-pirate ng mga international airline companies.

Ang mga airline firm sa European countries, India, Middle East at United States ang sinasabing "poachers" ng mga skilled Filipino manpower.

Kinikilala umano ang kagalingan ng mga Filipino aviation personnel sa buong mundo kaya kalimitang sila ang pina-pirate ng mga international airline companies na nagdudulot naman ng brain-drain sa Pilipinas. (Malou Escudero)

vuukle comment

AIR TRANSPORTATION OFFICE

AMINADO

AVIATION

MALOU ESCUDERO

MIDDLE EAST

NORTE REP

PILIPINAS

ROSELLER BARINAGA

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with