^

Bansa

Gringo arestuhin!

- Angie dela Cruz, -
Anumang oras ay aarestuhin na si dating senador Gringo Honasan matapos magpalabas kahapon ng warrant of arrest ang Makati Regional Trial Court dahil sa kasong kudeta.

Pinaaaresto din ng korte sina Cols. Ernesto Macahiya, Romeo Lazo, Virgilio Briones; Capt. Felix Turingan, pawang miyembro ng Guardian Brotherhood Association; George Duldulao at Lina Reyes, kapwa naman staff ni Honasan nang siya ay senador pa.

Sinampahan sila ng kasong kudeta ng Department of Justice (DOJ) sa Makati City RTC nitong Pebrero 24 matapos akusahan na "utak" sa pag-aklas ng mga sundalong miyembro ng grupong Magdalo sa Oakwood Hotel noong Hulyo 2003 sa Makati City.

Ipinaliwanag ng prosecution sa pamumuno ni Senior State Prosecutor Leo Dacera na malinaw sa mga naging pahayag ng mga Magdalo soldiers na si Honasan ang tinutukoy nilang "kuya."

Sinabi pa ni Dacera na iisa ang ebidesiyang pinagbatayan ng DOJ sa mga kasapi ng mga Magdalo at ni Honasan.

Nilinaw naman ni Dacera na walang halong pulitika ang pagpapalabas nila ng resolution laban kina Honasan na una nang sumubok na pabagsakin ang Arroyo government.

Aniya, tumagal lamang ang pagpapalabas ng resolution sa kaso ni Honasan dahil umapela pa ito sa Korte Suprema upang kuwestiyunin ang hurisdiksyon ng DOJ sa kanyang kaso.

Wala ring inirekomendang piyansa ng prosecution laban kina Honasan. (Lordeth Bonilla)

DACERA

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERNESTO MACAHIYA

FELIX TURINGAN

GEORGE DULDULAO

GRINGO HONASAN

GUARDIAN BROTHERHOOD ASSOCIATION

HONASAN

MAGDALO

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with