Saan na patungo ang bansa? PDSP
February 26, 2006 | 12:00am
Matamang magbabantay ang kilusang sosyalista-demokratiko ng bansa kung saan dadalhin ng gobyerno ang Pilipinas matapos na ideklara ang state of emergency. Ayon sa grupong Partido Demokratiko-Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) at Aksiyon Sambayanan (AkSa) bagaman sinusuportahan nito ang pagdeklara ni Pangulong Arroyo ng Proclamation 1017 upang masugpo ang kutsabahan ng ibat ibang puwersa na kinabibilangan ng mga komunistang grupo, mga rebeldeng militar at mga oposisyong pulitiko para pabagsakin ang gobyerno, sinabi ni National Security Adviser Norberto Gonzales na nakalulungkot umano na sa ika-20 taong anibersaryo ng EDSA People Power pa nagdeklara ng state of emergency.
Ipinaalala ng PDSP at AkSa na base sa kinahinatnan ng dalawang naunang People Power, ang pagbabago na pinangunahan ng mga pulitiko ay nagbubunga lamang ng pagpapalit ng liderato ng bansa ngunit hindi ng mga pagbabagong nais ng mga mas nakararami.
Anila, kapag pinangunahan naman ng mga sundalo ay mauuwi ang pagbabago sa military rule kaya mahalaga umanong manggagaling sa malawak at organisadong kilusan ng sambayanan na may ugnayan sa iba pang mahalagang puwersa ng lipunan ang pagtutulak ng pagbabago.
Nananawagan ang grupo sa pamahalaan na dapat na umanong simulan ang pagtataguyod ng mga tunay na pagbabago, lalo na yung tutugon sa kahirapan at katiwalian sa gobyerno, upang masolusyunan na ang tumatagal na krisis sa bansa. Umapela rin ang dalawang grupo sa pamahalaan na gumawa ng hakbang upang maalis sa isip ng tao na ang Proclamation 1017 ay pag-alis na demokratikong paraan at alisin ang kalayaan na ipinaglaban noong Edsa People Power I. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended