Base sa ipinadalang ulat nina City Veterinarian Teodoro Rosales at Administrative Officer Honesto Gutierrez, ang unang isinagawang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip kina Roger Galvez at Ariel delos Angeles Cruz ay naganap sa Barangay 56, Caloocan City.
Ayon kay Echiverri, sina Galvez at Cruz ay inaresto matapos na maaktuhan na may dalang dalawang ulo ng baboy na nang suriin ay lumalabas na pawang mga double dead. Sa isa pang operasyon, nakakumpiska rin ang mga tauhan ng CVO ng mahigit sa 300 kilos ng double-dead meat sa kahabaan ng 7th Ave. malapit sa Nadurata St., Caloocan City.
Ang isinagawang operasyon ng CVO ay kaugnay na rin ng "Operation: Hot-meat" ng lungsod upang maiwasan ang pagkalat ng mga double-dead meat sa lahat ng pamilihan.