^

Bansa

Malacañang bantay-sarado

-
Naglatag na ng kanilang pinakamahigpit na seguridad ang Manila Police District sa loob at labas ng Malacañang upang tiyakin na hindi makakalusot ang anumang grupo ng mga ralista, militante man o grupo ng oposisyon makaraan ang banta ng kudeta kahapon.

Isinara sa mga pampublikong behikulo ang kalye ng J.P. Laurel, Mendiola at Arlegui patungo sa Palasyo.

Ibinarikada ng MPD ang daan-daang miyembro ng Civil Disturbance Management Unit sa paligid ng Palasyo partikular na sa may Mendiola.

Tatlong layer ng depensa ang inilatag, unang naglagay ng mga matataas na barbed wire, ikalawa ang hanay ng mga anti-riot police at ikatlo ay ang mga inihilerang cargo container van sa kanilang likuran.

Ang mga tauhan naman ng Presidential Security Group ang nakatalagang magdedepensa sa loob ng Palasyo sa oras na malusutan ang depensa ng MPD sa labas nito.

Bukod sa Malacañang, nagdagdag rin ng seguridad sa pangunahing establisimiyento sa lungsod tulad ng Pandacan oil depot, LRT, US Embassy, malls, airports, pantalan at terminals. Selyado na rin ang mga entry points sa Metro Manila upang harangin ang mga coup plotters na magtatangkang pabagsakin ang liderato ni Arroyo.

Libu-libong sundalo ang nakalerto ngayon sa mga entry points gaya ng NLEX, SLEX at highway sa Cainta, Rizal. (Danilo Garcia/Joy Cantos)

vuukle comment

CIVIL DISTURBANCE MANAGEMENT UNIT

DANILO GARCIA

JOY CANTOS

MALACA

MANILA POLICE DISTRICT

MENDIOLA

METRO MANILA

PALASYO

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with