Ayon kay DOTC Undersecretary Cortes, ang ginamit na basehan ng Northrail para magamit ang riles ng PNR mula Caloocan City hanggang Malolos, Bulacan ay ang JVA nito sa Spanish Railways Group (SRG) at Northrail kung saan ito ang kanilang magiging equity sa proyekto.Ipinaliwanag pa ni Cortes, kahit wala na ang SRG ay umiiral pa rin naman ang JVA na ito sa pagitan ng PNR at Northrail kung saan ay ipapagamit ng PNR ang lahat ng main line nito.
Idinagdag pa nito, 21 Diesel Multiple Units (DMUs) na mayroong kabuuang 84 coaches ng tren ang nakasaad sa isinumiteng feasibility studies ng Northrail sa National Economic Development Authority (NEDA) at 2-way narrow track ang kanilang gagamitin sa riles.
Iginiit pa ni Cortes na nakahanda siyang humarap sa susunod na budget hearing ng DOTC sa Senado sa sandaling ipatawag siya dito upang maipaliwanag ang JVA at iba pang detalye sa Northrail project.
Samantala, darating sa bansa ang mga Chinese investors na may bibit na $25 milyong investment.Nais munang masiguro ng mga Chinese investor na dito na masisimulan ang konstruksyon ng Northrail bago sila magdesisyong magnegosyo sa bansa. (Rudy Andal)