^

Bansa

Right of way ng Northrail iginiit

-
Iginiit kahapon ni Northrail president Jose Cortes Jr. na mayroong Joint Venture Agreement (JVA) ang North Luzon Railways Corp. (Northrail) at Philippine National Railways (PNR) para sa paggamit ng Right of Way (ROW).

Ayon kay DOTC Undersecretary Cortes, ang ginamit na basehan ng Northrail para magamit ang riles ng PNR mula Caloocan City hanggang Malolos, Bulacan ay ang JVA nito sa Spanish Railways Group (SRG) at Northrail kung saan ito ang kanilang magiging equity sa proyekto.Ipinaliwanag pa ni Cortes, kahit wala na ang SRG ay umiiral pa rin naman ang JVA na ito sa pagitan ng PNR at Northrail kung saan ay ipapagamit ng PNR ang lahat ng main line nito.

Idinagdag pa nito, 21 Diesel Multiple Units (DMUs) na mayroong kabuuang 84 coaches ng tren ang nakasaad sa isinumiteng feasibility studies ng Northrail sa National Economic Development Authority (NEDA) at 2-way narrow track ang kanilang gagamitin sa riles.

Iginiit pa ni Cortes na nakahanda siyang humarap sa susunod na budget hearing ng DOTC sa Senado sa sandaling ipatawag siya dito upang maipaliwanag ang JVA at iba pang detalye sa Northrail project.

Samantala, darating sa bansa ang mga Chinese investors na may bibit na $25 milyong investment.Nais munang masiguro ng mga Chinese investor na dito na masisimulan ang konstruksyon ng Northrail bago sila magdesisyong magnegosyo sa bansa. (Rudy Andal)

CALOOCAN CITY

DIESEL MULTIPLE UNITS

IGINIIT

JOINT VENTURE AGREEMENT

JOSE CORTES JR.

NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY

NORTH LUZON RAILWAYS CORP

NORTHRAIL

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

RIGHT OF WAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with