Shabu lab talamak sa Pinas
February 24, 2006 | 12:00am
Inamin kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng shabu laboratories at mga shabu users sa Asya.
Sa isinagawang pagdinig ng Senado kaugnay sa shabu tiangge sa Pasig City, tahasang ibinunyag ni PDEA Director General Anselmo Avenido Jr. na lalong dumami ang shabu laboratories at tumaas din ang bilang ng shabu users sa bansa sa kabila ng mahigpit na kampanya ng PNP laban sa illegal drugs.
Dahil dito, sinisi ni Sen. Juan Ponce Enrile ang Pasig police sa pagkabigo nitong matugunan ang malaking shabu den sa kanilang nasasakupan.
Sinabi ni Sen. Enrile na trabaho ng pulis na alamin ang nangyayari sa kanyang nasasakupan lalo na ang tungkol sa illegal drugs.
Iginiit naman ni Pasig City Mayor Vicente Eusebio na mayrooon siyang legal na basehan at suportado siya ng resolusyon ng kanyang konseho kaya niya inutos ang paggiba sa mga shanties sa loob ng Bgy. Mapayapa na ginawang shabu den. Ikinatwiran ni Eusebio na kumonsulta siya sa Commission on Human Rights at DSWD.
Sinisisi ni PNP-Anti Illegal Drug Special Operations Task Force Chief Supt. Marcelo Ele si Eusebio sa pagdemolis ng shabu market dahil hindi pa raw kumpleto ang mga nakalap na ebidensiya ng pulis. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 19 hours ago
By Doris Franche-Borja | 19 hours ago
By Ludy Bermudo | 19 hours ago
Recommended