Ang award na Education and Socio-Civic Humanitarian Leadership ay pagbibigay-halaga sa mga kababaihan at kalalakihan na walang sawang tumutulong sa pamamagitan ng kanilang propesyon para makatulong sa mga kababayan at sa komunidad.
Si Bautista ay tapos ng Masters Degree in Education sa Philippine Normal College with specialization in Guidance and Counseling at naging college professor ng 10 taon sa University of the East. Naging Dean of Student Affairs at pangulo ng Soroptimist International (Dasma-Salcedo Club) na tumutulong sa mga kapus-palad.
Nagtapos ito ng elementarya at high school sa St. Joseph Academy (ngayon ay La Consolacion College), consistent honor pupil at nagtamo ng award bilang Most Outstanding Student nang magtapos ng high school.
Dumadalo si Bautista sa mga seminar sa Amerika para makatulong na maiangat ang kalidad ng mga kababaihan.
Ang Bantayog Presidential Filipino Achievers Award ay idaraos sa Peb. 24, 2006, 7 pm sa Bulwagan Katipunan ng Caloocan City Hall. Guest speaker si Mayor Recom Echiverri.
Ang proyekto ay itinataguyod ng Caloocan "Bantayog" Jaycees sa pakikipagtulungan sa Junior Chamber International (JCI Philippines) sa pamumuno ni Major Conrad Dieza.