^

Bansa

PSN columnist pararangalan

-
Tatanggap ng Bantayog Presidential Filipino Achiever’s Award 2006 bilang isa sa natatanging mamamayan ng Caloocan City, si Emy Abuan Bautista, kolumnista ng Pilipino Star Ngayon.

Ang award na Education and Socio-Civic Humanitarian Leadership ay pagbibigay-halaga sa mga kababaihan at kalalakihan na walang sawang tumutulong sa pamamagitan ng kanilang propesyon para makatulong sa mga kababayan at sa komunidad.

Si Bautista ay tapos ng Master’s Degree in Education sa Philippine Normal College with specialization in Guidance and Counseling at naging college professor ng 10 taon sa University of the East. Naging Dean of Student Affairs at pangulo ng Soroptimist International (Dasma-Salcedo Club) na tumutulong sa mga kapus-palad.

Nagtapos ito ng elementarya at high school sa St. Joseph Academy (ngayon ay La Consolacion College), consistent honor pupil at nagtamo ng award bilang Most Outstanding Student nang magtapos ng high school.

Dumadalo si Bautista sa mga seminar sa Amerika para makatulong na maiangat ang kalidad ng mga kababaihan.

Ang Bantayog Presidential Filipino Achiever’s Award ay idaraos sa Peb. 24, 2006, 7 pm sa Bulwagan Katipunan ng Caloocan City Hall. Guest speaker si Mayor Recom Echiverri.

Ang proyekto ay itinataguyod ng Caloocan "Bantayog" Jaycees sa pakikipagtulungan sa Junior Chamber International (JCI Philippines) sa pamumuno ni Major Conrad Dieza.

vuukle comment

ANG BANTAYOG PRESIDENTIAL FILIPINO ACHIEVER

BANTAYOG PRESIDENTIAL FILIPINO ACHIEVER

BULWAGAN KATIPUNAN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY HALL

DASMA-SALCEDO CLUB

EDUCATION AND SOCIO-CIVIC HUMANITARIAN LEADERSHIP

EMY ABUAN BAUTISTA

GUIDANCE AND COUNSELING

JUNIOR CHAMBER INTERNATIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with