Sinabi ni Atty. Lozano sa kanyang liham sa SC, dapat ilitin ang ari-arian at bank accounts ng mga Comelec officials na sina Comelec chairman Benjamin Abalos, Luzviminda Tancangco, Ralph Lantion, Melhor Sadain, Ressureccion Borra, Rufino Javier at Florentino Tuason Jr.
Wika pa ni Lozano, dapat isailalim sa public auction ang makukumpiskang mga ari-arian ng mga ito.
Aniya, dapat ikulong din ang mga ito hanggang hindi nito naibabalik sa gobyerno ang katumbas na halaga ng pinasok nilang kontrata para sa automated counting machines kung saan ay ibinasura ng Korte Suprema ang naturang deal dahil sa maanomalya.
"We respectfully request further that the erring commissioners comply as early as possible with your directive under pain of contempt by jailing them until full payment," dagdag pa ni Lozano.
Magugunita na bumili ng ACMs ang Comelec sa Mega Pacific na nagkakahalaga ng P1.3 bilyon ngunit idineklara ng Supreme Court na null and void ang nasabing kontrata. (Grace dela Cruz)