Tatagal ng 90-araw ang pagpapaliban sa pagbitay at muli itong itinakda sa Mayo 2006.
Karamihan sa 22 na mga bilanggo ay may mga kasong rape na kinabibilangan nina Jeffrey Garcia, Juan Manalo, Alfredo Olicia, Melchor Estomaca, Alejo Miasco, Romeo Santos, Camilo Soriano, Gerrico Vallejo, Rolando Pagdayawan, Arthur Pangilinan at 12 iba pa.
Una nang nagbigay si Pangulong Arroyo ng Presidential pardon sa mahigit na 1,000 mga lolo na nakatakda sanang mabitay.
Ikinatwiran ng Malacañang na ang pagsasalba sa mga nasabing lolo ay dahil umano sa pagiging "makatao" ng gobyernong Arroyo. (Grace dela Cruz)