^

Bansa

Leyte landslide!

-
Mistulang nabura sa mapa ang buong barangay ng bayan ng St. Bernard, Southern Leyte matapos matabunan ng magkahalong landslide at flashflood dulot ng walang tigil na mga pag-ulan na sinabayan pa ng paglindol, kahapon ng umaga.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Administrator ret. Major Gen. Glen Rabonza, tatlong barangay ang nabaon sa 30 talampakang taas ng putik at bato na rumagasa buhat sa kabundukan sa Barangay Guinsaugon kung saan tinatayang 3,000 katao ang pinangangambahang nalibing ng buhay habang 500 kabahayan, eskuwelahan at health center ang nalubog.

"We expect a number of casualties on this tragedy," ani Rabonza.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa 200 katao na umano ang nasawi, 24 ang sugatan at libu-libo pa ang nawawala sa trahedya.

Bandang alas-11:15 ng umaga nang magsimulang gumuho ang lupa kung saan abala ang lahat sa paghahanda ng kanilang pananghalian. Nagkaroon muna ng mahinang paglindol na 2.6 magnitude at kasunod nito’y nagsimula nang maggulungan ang mga bato mula sa bundok patungo sa mga kabahayan na nasa ibaba ng kabundukan na nasasakupan ng dalawang barangay dito.

Sa loob lamang ng 5 minuto ay wala nang kabahayan, punongkahoy at pananim at wala na ring mga tao.

Pinangangambahang karamihan sa mga nabiktima ng landslide ay mga bata na nagkaklase sa malapit na eskuwelahan doon nang maganap ang trahedya.

Tulad ng Eastern Visayas ay nakararanas din ng tuluy-tuloy na pag-ulan ang Southern Leyte dulot ng La Niña.

Matatandaan na walo katao ang naunang nasawi sa nangyaring landslide sa munisipalidad ng Sogod sa nabanggit ring lalawigan kamakailan.

Pinakilos na ang rescue team ng Phil. Navy, Phil. Army, DOH at ang lokal na pamahalaan para tumulong sa mga biktima ng trahedya.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga nasugatang biktima na masuwerte pa ring nakalikas mula sa kanilang mga tahanan. Gumamit na rin ng payloader sa pagkuha sa mga bangkay at nakaligtas.

Pansamantalang itinigil ang search and rescue operation kahapon dahil na rin sa kawalan ng kuryente.

Ang St. Bernard ay binubuo ng 30 barangays at may populasyon na 21,363 katao o 4,332 pamilya. (Joy Cantos)

ANG ST. BERNARD

BARANGAY GUINSAUGON

EASTERN VISAYAS

GLEN RABONZA

JOY CANTOS

LA NI

MAJOR GEN

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

SOUTHERN LEYTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with