Ayon kay San Juan, sa mga susunod na araw ay nakatakda na nitong hayagang ipakita ang pagkadismaya sa kasalukuyang huwad na gobyerno.
Ipamamalas umano nito ang buong lakas at tapang at nararamdamang pagkamuhi hindi lamang sa pamamagitan ng mga protesta sa lansangan kundi ang pagsusuot ng pulang arm band na sumisimbolo ng tunay na sentimyento ng mga mamamayan.
Hinikayat niya ang pagsusuot nito hanggat hindi bumababa sa puwesto si Arroyo.
Sinabi pa ni San Juan na hindi na niya masikmura ang katiwalian sa AFP at inutil anya ang gobyerno sa hinaing ng ordinaryong mamamayan. (Joy Cantos)