Mga opisyal ng MTRCB pinasisibak
February 16, 2006 | 12:00am
Pinasisibak ni Pampanga Rep. Francis Nepomuceno sa Malacañang ang mga opisyal ng Movie and Television, Review and Classification Board (MTRCB) sa pangunguna ng chairman nitong si Consoliza Laguardia dahil sa kabiguan umanong magawa ang kanilang tungkulin matapos bigyan ng rating na R-13 ang mga pelikulang "Munich" at "Derailed".
Una nang binigyan ng MTRCB ng R-13 ang "Munich" na pinagbidahan ni Eric Bana at idinirihe naman ni Steven Spielberg na isang linggo na ring ipinapalabas sa mga sinehan. Kinuwestiyon ni Rep. Nepomuceno kung bakit pinayagan ng MTRCB na mapanood ng mga kabataan ang ganitong pelikula na nagpapakita ng dibdib ng babae, pubic hair, vivid sex acts na may pumping motions at madugong eksena.
Inireklamo rin ni Nepomuceno ang pagbibigay ng R-13 sa pelikulang "Derailed" na pinagbibidahan ni Jennifer Aniston na nagpapakita ng rape scene, graphic sex act, vulgar dialogues, marital infidelity at extreme violence. Hiniling nito sa Ombudsman at Civil Service Commission na magsampa ng kasong kriminal at administratibo kay Laguardia at sa 6 miyembro ng board. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended