^

Bansa

Election protest vs Crisologo ibinasura

-
Ipinawalang-saysay ng Supreme Court (SC) ang apela ng isang dating konsehal ng Quezon City kaugnay sa election protest na inihain laban sa nanalong kongresistang si Vincent "Bingbong" Crisologo.

Sa isang pahinang resolusyon ng SC, ibinasura nito ang inihaing election protest ni dating 1st District Councilor Moises Samson sa House of Representatives Electoral Tribunal laban kay Crisologo.

Ipinaliwanag ng SC na nabigo si Samson na mapatunayan na umabuso ang HRET sa pagpabor nito kay Crisologo sa kinukuwestiyong desisyon at resolusyon hinggil sa 2004 election protest bilang mambabatas.

Sa rekord ng korte, inakusahan ni Samson na walang karapatan ang isang ex-convict na maupo bilang mambabatas.

Ikinatuwiran naman ng SC na hindi hadlang ang pagiging ex-convict upang maglingkod sa kanyang mga constituents at wala rin itong nalabag na batas. (Grace dela Cruz)

BINGBONG

CRISOLOGO

CRUZ

DISTRICT COUNCILOR MOISES SAMSON

HOUSE OF REPRESENTATIVES ELECTORAL TRIBUNAL

IKINATUWIRAN

IPINALIWANAG

IPINAWALANG

QUEZON CITY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with