Cha-cha ng masa umariba
February 16, 2006 | 12:00am
Dumagsa kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex ang libu-libong kinatawan ng mga pribadong organisasyon sa buong bansa upang makiisa sa panawagang isulong na ang pagbabago sa Konstitusyon para sa kaunlaran ng bansa.
Kung magmamatigas ang Senado na pigilan ang Charter change, sinabi nila na idaraan ito sa peoples initiative gaya ng hinihingi ng Konstitusyon.
Mahigit 10,000 mga opisyal ng lokal na pamahalaan at gayundin ang mga representante ng ibat ibang mga sectoral organization ang nagtatag ng alyansang susuporta sa peoples initiative na siyang mag-aamyenda sa 1987 Constitution. Layon nitong iwasto ang mga depekto ng kasalukuyang sistemang politikal at liberalisasyon ng ekonomiya.
Pinangunahan ni Manila Mayor Lito Atienza, Jr., ang paglagda sa Manila Declaration na humihiling sa pagpalit ng sistema ng pamahalaan tungo sa unicameral kung saan kinakailangang buwagin ang Senado at pagkakaroon na lamang ng isang Kongreso na siyang gagawa at mag-aapruba ng batas.
Nilinaw nito na sa pamamagitan ng unicameral form of government ay maiiwasan ang pagtatalo-talo ng miyembro ng Senado at Kamara at hindi nito pakikipagtulungan sa mabuting adhikain ng Pangulo ng bansa na sa huliy ang taong bayan ang siyang nagsasakripisyo.
Dumalo rin sa paglalagda sina Municipal Mayors League sec-gen at Angono Mayor Gerry Calderon, Vice Mayors League president at Mandaluyong City Vice Mayor Jesse Cruz at Vice Governors League representative at Albay Vice Gov. James Calisin.
Ipinasok rin dito ang issue ng decentralization o ang pagbibigay ng kapangyarihan sa local government tulad na lamang ng muling pagbabalik sa mga LGUs ng kapangyarihan sa mga kapulisan ng bansa.
Dadalhin namin ang isyu ng constitutional reform sa bawat munisipalidad, bawat barangay, bawat tahanan, bawat puso at sa kaisipan ng bawat Pilipino," pahayag ni Atienza na sumasang-ayon sa nationwide information campaign na tinaguriang Sigaw ng Bayan: Pagbabago sa Saligang Batas Ngayon Na!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 9 hours ago
By Doris Franche-Borja | 9 hours ago
By Ludy Bermudo | 9 hours ago
Recommended