Korapsiyon sa LTO tutuldukan ng PITPA
February 15, 2006 | 12:00am
Upang maibsan na ang korapsiyon, handa ang Philippine Information Technology Providers Association (PITPA) na ibigay ang serbisyo nito sa Land Transportation Office (LTO) upang pangasiwaan ang computerization program ng ahensiya kapalit ng IT provider nitong Stradcom at Dtech Company.
Ang pahayag ay ginawa ni PITPA president Jose Justo bilang tugon na rin sa mga reklamong natatanggap ng LTO hinggil sa hindi mahusay na serbisyo ng Stradcom at Dtech sa sistema ng nabanggit na ahensiya ng pamahalaan.
Nagbigay ng garantiya si Justo na bukod sa maayos na serbisyo na laan nito sa LTO, bibigyan din niya ng 90% na baba ng presyo ng IT fee sa pagrehistro ng sasakyan at sa insurance validation services.
Aniya, kung maaayos sana ang serbisyo ng nabanggit na IT providers, maiiwasan na magsayang ng oras ang mga motorista sa paghihintay para maagang matapos ang issuance ng kanilang lisensiya at rehistro ng kanilang mga sasakyan.
Kinuwestiyon din ni Justo kung ano ang nasa likod ng P6 milyon pondo na nais na ilagak ni Cong. Ricky Sandoval sa LTO para magkaroon ng bagong data base system sa ahensiya gayon naman na libre naman ang pagpapatakbo ng data-base ng PITPA sa LTO-MID sa kasalukuyan.
Pinagpapaliwanag din ni Justo si LTO Chief Annelli Lontoc kung bakit pinapayagan nitong makapag-operate ang Oaxis IT provider na tinutulak ni Sandoval, para sa mga private emission test center (PETCs) ng wala man lamang sinusunod na reglamento sa LTO at hindi man lamang naipaalam sa PITPA. Aabutin lamang sa halagang P13.50 ang IT fee mula P135.00 kung PITPA ang magiging IT provider ng LTO. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest