Sa isinumiteng "very, very urgent exparte to second motion to resolve" na inihain ng Campaign for Public Accountability na pinangungunahan ni CPA convenor Bobby Brillante, hiniling nito kay Ombudsman Merceditas Gutierrez na magpalabas na ng desisyon dahil mayroon umanong sapat na ebidensiya kaya nararapat lamang na maisulong ang kaso sa kaukulang korte.
Iginiit nito na isang matibay na ebidensiya ang ginawang pag-amin ng ilang opisyal ng Makati City Hall na tama ang lumabas na report ng Commission on Audit (COA) noong Abril 19 at Sept. 24, 2002 na maituturing umanong overpricing ang ginawang pagbili ni Binay ng mga gamit sa Makati City Hall at sa Ospital ng Makati. Ang nasabing mga kagamitan ay umaabot umano ng P662 milyon. (Grace dela Cruz)