Kaso vs Binay resolbahin na
February 15, 2006 | 12:00am
Hiniling ng isang grupo sa Office of the Ombudsman na resolbahin na ang kasong plunder na isinampa laban kay Makati Mayor Jejomar Binay kaugnay sa umanoy maanomalyang pagbili ng mga kagamitan sa tanggapang ito.
Sa isinumiteng "very, very urgent exparte to second motion to resolve" na inihain ng Campaign for Public Accountability na pinangungunahan ni CPA convenor Bobby Brillante, hiniling nito kay Ombudsman Merceditas Gutierrez na magpalabas na ng desisyon dahil mayroon umanong sapat na ebidensiya kaya nararapat lamang na maisulong ang kaso sa kaukulang korte.
Iginiit nito na isang matibay na ebidensiya ang ginawang pag-amin ng ilang opisyal ng Makati City Hall na tama ang lumabas na report ng Commission on Audit (COA) noong Abril 19 at Sept. 24, 2002 na maituturing umanong overpricing ang ginawang pagbili ni Binay ng mga gamit sa Makati City Hall at sa Ospital ng Makati. Ang nasabing mga kagamitan ay umaabot umano ng P662 milyon. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest