P3,000 wage increase, hirit na Valentines gift
February 14, 2006 | 12:00am
Inihirit kahapon ng mga empleyado ng gobyerno na ang pagsasabatas sa P 3,000 across-the-board wage increase ang gawing Valentines gift ng pamahalaan para sa mga empleyado ng gobyerno.
Sinabi nina Anakpawis Rep. Crispin Beltran at Bayan Muna Rep. Joel Virador, isang magandang regalo ngayong araw ng mga puso ang pagpapatibay ng batas para sa dagdag sahod sa mga manggagawa na dapat bigyang prayoridad ng mga opisyal ng pamahalaan.
Ang kanilang kahilingan ay matapos aprubahan ng Kamara ang P13.1 bilyong supplementary budget para sa allowance ng mga manggagawa ng pamahalaan at iginiit na dapat nang isunod ang pagpapasa ng House Bill 5013.
Ayon sa mga mambabatas, hindi sapat ang P1,000 allowance para makatulong sa pang-araw-araw na gastusin ng mga empleyado.
Lumalabas anila na P 45. 50 kada araw lamang ang halaga ng P1,000 kung hahatiin ito sa 22 working days.
Idinagdag pa ng mga mambabatas na ang naturang panukala sa P3,000 wage increase ay sinusuportahan ng mga manggagawa sa gobyerno kasunod ng ipinasang resolusyon ng National Federation of Employees Association ng Department of Agriculture (DA). (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended