Ayon kay Lacuna, wala sa isip nya ang pulitika sa ngayon lalo nat marami pang problema ang siyudad na kailangang solusyunan ng pamahalaang panlungsod bago siya mag-isip ng tungkol sa posisyong malapit nang iwan ni Mayor Lito Atienza.
May panahon para sa lahat ng bagay pati ang politika, ngunit hindi ngayon at marami pa tayong dapat tugunan ng pangangailangan ng mga taga Maynila. Pag nagawa na natin ang lahat ng ito, maari na siguro, ngunit hanggat hindi pa natin ito natatapos, ako ay naniniwala na dapat isaisantabi muna nating lahat ang politika, ayon sa bise alkalde.
Kamakailan lamang ay nag deklara na nang kanyang balak na tumakbong alkalde ng syudad si Congressman Joey Hizon ng ikalimang distrito. Kasama sa mga pinaniniwalaang tatakbong alkalde ng syudad ay ang anak ni Atienza na si Kim, Sens. Fred Lim at Panfilo Lacson, Cong. Rudy Bacani at mga dating Senador na si Joey Lina at Ernesto Maceda.
"Masyadong maaga pa upang pag-usapan ang pulitika ngayon," ani Lacuna.