^

Bansa

Lacuna dedma muna sa pulitika

-
Nagkibit-balikat si Manila Vice-Mayor Danny Lacuna tungkol sa umano’y pag-usad na ng pangangampanya ng ilang personalidad na nag-aasam ng pagka-alkalde ng syudad.

Ayon kay Lacuna, wala sa isip nya ang pulitika sa ngayon lalo na’t marami pang problema ang siyudad na kailangang solusyunan ng pamahalaang panlungsod bago siya mag-isip ng tungkol sa posisyong malapit nang iwan ni Mayor Lito Atienza.

May panahon para sa lahat ng bagay pati ang politika, ngunit hindi ngayon at marami pa tayong dapat tugunan ng pangangailangan ng mga taga Maynila. Pag nagawa na natin ang lahat ng ito, maari na siguro, ngunit hangga’t hindi pa natin ito natatapos, ako ay naniniwala na dapat isaisantabi muna nating lahat ang politika, ayon sa bise alkalde.

Kamakailan lamang ay nag deklara na nang kanyang balak na tumakbong alkalde ng syudad si Congressman Joey Hizon ng ikalimang distrito. Kasama sa mga pinaniniwalaang tatakbong alkalde ng syudad ay ang anak ni Atienza na si Kim, Sens. Fred Lim at Panfilo Lacson, Cong. Rudy Bacani at mga dating Senador na si Joey Lina at Ernesto Maceda.

"Masyadong maaga pa upang pag-usapan ang pulitika ngayon," ani Lacuna.

vuukle comment

ATIENZA

AYON

CONGRESSMAN JOEY HIZON

ERNESTO MACEDA

FRED LIM

JOEY LINA

MANILA VICE-MAYOR DANNY LACUNA

MAYOR LITO ATIENZA

PANFILO LACSON

RUDY BACANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with