Pre-marital counseling bago magpakasal isinulong
February 12, 2006 | 12:00am
Pinagagawang mandatoryo ng isang mambabatas ang pagsasailalim sa pre-marital counseling ng lahat nang nagpaplanong magpakasal bago mabigyan ng marriage license.
Ang pagsusulong ay ginawa ni Muntinlupa City Rep. Rozzano Rufino Biazon dala na rin sa pagtaas ng bilang ng mga nasirang pagsasama o nagkakahiwalay na mag-asawa.
Ayon kay Biazon, hindi lahat ng magkasintahang nagpaplanong magpakasal ay dumadaan sa pre-marriage counseling.
Batay sa Family Code, tanging mga nasa edad 18-25 anyos o magkasintahang nangangailangan ng parental consent o advice sa pagkuha ng marriage license ang kinakailangang sumailalim sa counseling.
Isa pang problema aniya, ang ilan sa mga nagpaplanong magpakasal na sakop ng Family Code ay nagbabayad upang mabigyan ng certificate para hindi na dumalo sa pre-marriage counseling seminar.
Hihilingin niya anya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at religious groups ang pagbuo ng isang national standard curriculum for pre-marriage counseling.
Layon nito na maturuan ang magkasintahan kaugnay sa kaso at kung papaano matutugunan ang mga problema o hamon sa kanilang kahaharapin sa araw-araw ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 17 hours ago
By Doris Franche-Borja | 17 hours ago
By Ludy Bermudo | 17 hours ago
Recommended