Sinabi ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri, libu-libong aplikante na mga residente ng lungsod at iba pa na nagmula sa mga katabing lungsod ang nakisali sa ginanap na mega job fair na pinangunahan ng Department of Urban, Social, Industrial Relations Services (DUSIRS) sa pakikipagtulungan ng Labor Industrial Relations Office (LIRO).
Mayroong 112 kompanya ang nakisali sa mega job fair upang tulungan ang lokal na pamahalaan na bigyan ng disente at magandang hanapbuhay ang mga residente ng lungsod.
Ipinaliwanag ng alkalde na mas magandang bigyan ng disente at magandang hanapbuhay ang mga residente upang matuto ang mga ito na itaguyod ang kanilang pamilya at maging produktibong mamamayan ng Caloocan.
Kabilang sa mga sumali sa job fair ay ang SM, Ever, Flexo, Isetann, Aroma, Dunkin Donuts, CDO, Gotesco, Hotel Sogo, MTC Academy at marami pang iba.
Ang ginanap na mega job fair ay isang paraan ni Echiverri upang bigyan ng hanapbuhay ang mga residente ng Caloocan sa halip na bigyan ang mga ito ng rasyon na pagkain araw-araw.